PAGSUSURI SA PELIKULANG SEVEN SUNDAYS
BUOD NG PELIKULA Ang Seven Sundays ay kento ng pamilya Bonifacio na muling pinagbuklod ng isang hindi inaasahang balita. Nagkaroon ng taning ang buhay ng kanilang ama na si Manuel Bonifacio at meron na lamang siyang pitong linggo para mabuhay. Dahil sa pangyayaring ito, nais nyang makasama ang kanyang apat na anak na sina Allan, Bryan, Cha, at Dex sa natitirang nyang araw. Habang sila ay magkakasama, muling lumabas ang mga hinanakit, tampuhan, at sama ng loob ng magkakapatid. Sa bawat linggong dumadaan, unti unti nilang natutuklasan ang mga dahilan sa likod ng mga alitan at natututo silang mag patawad at tanggapin ang isa't isa. PAGSUSURING LINGWISTIKO AT DIALEKTO Filipino ang pangunahing wika na ginamit sa palabas na siyang pambasang wika ng Pilipinas at karaniwang ginagamit sa mga pelikulang gawa ng Pilipino. Gumamit din ang mga tauhan ng wikang ingles sa ilan nilang linya, lalo na sa mga eksenang nagpapakita ng emoyonal na intensyo...