PAGSUSURI SA PELIKULANG SEVEN SUNDAYS

 BUOD NG PELIKULA 

   Ang Seven Sundays ay kento ng pamilya Bonifacio na muling pinagbuklod ng isang hindi inaasahang balita. Nagkaroon ng taning ang buhay ng kanilang ama na si Manuel Bonifacio at meron na lamang siyang pitong linggo para mabuhay. Dahil sa pangyayaring ito, nais nyang makasama ang kanyang apat na anak na sina Allan, Bryan, Cha, at Dex sa natitirang nyang araw.

  Habang sila ay magkakasama, muling lumabas ang mga hinanakit, tampuhan, at sama ng loob ng magkakapatid. Sa bawat linggong dumadaan, unti unti nilang natutuklasan ang mga dahilan sa likod ng mga alitan at natututo silang mag patawad at tanggapin ang isa't isa.



PAGSUSURING LINGWISTIKO AT DIALEKTO

     Filipino ang pangunahing wika na ginamit sa palabas na siyang pambasang wika ng Pilipinas at karaniwang ginagamit sa mga pelikulang gawa ng Pilipino. Gumamit din ang mga tauhan ng wikang ingles sa ilan nilang linya, lalo na sa mga eksenang nagpapakita ng emoyonal na intensyon.


MGA GAMIT NA SALITA

 Ang mga salita na ginamit sa pelikulang ito ay kalamitan naririnig sa normal na pag uusap ng mga magkaka pamilya. Ang paggamit ng impormal na pangungusap sa pelikula ay nagbibigay ng natural na daloy ng kanilang pagbibiruan, tampuhan, at seryosong usapan, bukod dito, ang mga salitang nagpapakita ng respeto at pagmamahal tulad ng "Kuya",  "Ate",  " Papa", at "sorry" ay nag papakita ng pagpapahalag sa kultura ng Pilipino. Sa ganitong paraan, ang wika ay nagiging tulay para sa mga manonood upang makarelate sa bawat karkater at damdamin nila.


ISTRUKTURA NG WIKA

      Ang istruktura ng wika sa pelikulang ito ay simple at madaling maintindihan ng mga manonood. Makikita rin ang paggamit ng pormal at di pormal na wika, tulad ng "bruha", "loko", at iba pang salitang pabiro o pang asar. 


PAG PAPAKAHULUGAN

    Ang pelikulang ito ay may malalim na pagkakahulugan na sumasalamin sa kahalagaan ng pamilya, paguunawa, at pagpaatawad sa mga tao nanakapaligid sa atin, nais rin ipahayag ng pelikula na kahit gaano man katindi ang problema, tampo, o galit mo ay kailangan mo mag patawad upang mawala ang sakit nanararamdaman ng iyong kalooban. 


PAGSUSURI SA KULTURANG PONEMAL

   mga tema

     Natampok sa pelikula ang pagkakaisa, paggalang, at pag papatawad ng pamilya Bonifacio. Nanatiling matatag ang kanilang pamilya sa kabi lang ng mga pagsubok at problema na dumating sa buhay ng bawat isa. 


REPRESENTASYON NG KULTURA

     Ang pelikulang ito ay inilalarawan ang pamliyang Pilipino, dahil sa kabila ng mga pagsubok at problema na dumarating sa atin ay nanatili tayong matatag ang ating pamilya, gaano man kahirap ang problema ay nabibigyan parin ito ng solusyon dahil sa pagmamahalan at pagtutulungan ng pamilya. 


PAGKAKAKILANLAN

     Nakilala ang pelikulang ito dahil sa kaniyang nakaka antig na tema, maraming Pilipino ang nakarelate sa kwento at istorya ng Pamilya Bonifacio at kung paano nila na resolba ang kanilang mga problema sa isa't isa. 

EPEKTO SA MANONOOD

     Marami sa nakapanood ng pelikuang seven sundays ang umiyak at natutong mag patawad, dahil sa nakakaantig nitong kwento na naiuugnay sa kanilang sariling pamilya, marami rin natuwa sa palabas dahil sa magandang aral na mapupulot mo sa kwento. 



KONKLUSYON

 Ang pelikulang ito ay nagbigay daan sa maraming pamilyang Pilipino na magkaisa pa lalo na sa panahon ng problema, kailangan natin maging matatag, maunawain, at mapagpatawad upang magkaisa at maging masaya ang ating pamilya, kahit salubungin man ang ating pamilyang ng problema ay mananatili parin tayong nakatayo at mag tutulungan upang lutasin ang problemang dadaan sa ating buhay.



PAMAGAT NG PELIKULA:  Seven sundays

DIREKTOR/MANUNULAT: Cathy Garcia Sampana

IPINASA NI: Alba, Angelo G. 

IPINASA KAY: Mrs. Marjorie C. Dela Cruz

BAITANG: Stem 11 azalea

Comments